Posted by: kimmuel | 30/12/2013

Ikaw ang Aking Huling Tula


Image

Ikaw ang aking huling tula
Ang huling babaeng aalayan
ng mga salitang dumadaloy
Sa aking mga ugat at pabalik
Mula puso kong nagmamahal

Sayo lalagay sa tahimik
Ang aking nag-iisang pluma
Ang panulat kong napupukaw
Sa mga yakap mong tahanan ko
Na pakatapos ng isang araw
sayong piling  ako’y magpapahinga
Tanging uwian ng aking kamalayan

Ikaw ang aking huling tula
Ang dulo ng aking pila
Ang huling kabanata ng aking libro
Ang tuktok ang bundok apo
Ang marianas ng karagatan
Ang hangganan ng walang hanggan

Sayo lamang iaalay
Ang mga panaginip na sinulat
Pagkagising at ang mga pangarap
bago dalawin ng antok

Ikaw ang aking huling tula
Ang tuldok sa linyang
Walang hangganan

May 1, 2013 811PM – Nov. 28, 2013 3:23 PM


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories