Posted by: kimmuel | 22/12/2012

Yakapin Mo Ako Pag-ibig


hug

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Yakapin mo ako pag-ibig
at sa aking mga bisig
sumandal ka at mahimlay
at babalutin kita ng pagmamahal

Yakapin mo ako pag-ibig
at sa gitna ng himig ng hangin
ihehele ko ang mga tinig
na galing sa kailaliman
ng aking pusong umaawit

sa liwanag ng mga bituin sa langit
sasabihin ko ang mga salitang
mas malambing pa sa simoy ng amihan
papawiin ko ang mga ulap-ulan
at ang mga bumabagabag sa iyong kalooban

Hayaang mong awitan kita
hindi ng aking mga tinig
kun’di ng mga duyan ng paglambing
ipapadama ko sa iyo
ang pinakamatatamis na pakiramdam
bubusugin kita ng pagmamahal

yakapin mo ako pag-ibig
at hahagkan din kita ng mahigpit
hanggang sa maramdaman mo
ang pugon ng aking pusong
nag-aalab para sayo

yakapin mo ako pag-ibig
kailan ma’y hindi isang utos
kun’di isang pagsamo
mula sa isang damdaming
patuloy na nahuhulog sayo

Yakapin mo ako pag-ibig
kung sakali lamang
na iyong nais
kung iyo ding ibig.

 

06/12/2012 1122


Responses

  1. Beautiful🙂 Lalim Kimmuel..haha!

    • thanks Maj🙂

      • 🙂 I therefore declare 2013 as the year of LOVE🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories