Posted by: kimmuel | 30/10/2012

Hanggang Maubos ang Pag-ibig


Hanggang Maubos ang Pag-ibig
para kay Jana

Iiyak mo lang ang mga gabi
na naalala mo siya
ihagulgol mo ang bawat hapdi
ng mga sayang na alaala

ibuhos mo ang galit
dahil sa mga oras na nasayang
sa mga salitang lumipad nang walang kahulugan
at sa mga alaalang, alaala na lamang

Kung ang rosas ay pag-ibig
durugin mo ito sa palad mo
ramdamin mo ang bawat tinik
na pumupinit sa balat, hanggang
magdugo, magsugat at mamanhid

hanggang maubos ang pag-ibig.

At kapag naubos na ang mga luha
tumigil na sa pagdurugo ang mga sugat-
sumara at unti-unting naghilom
at kapag napagod ka na sa lahat ng ito

Ngumiti ka
kasi gusto kong makita
ang liwagnag mula iyong mukha
ang mga bituin sa sa iyong mga ngiti
at ang anghel sa aking mga panaginip


pero paki-usap lamang
pagbigyan mo ang sarili
na umibig muli



magmahal ka
hanggang sa malubos mo
ang pag-ibig.






301012 0132


Responses

  1. kahit hindi ako brokenhearted .. feel na feel ko toh gregg..aha!

    • inspired lang po🙂 haha

  2. Superb! Iba ka talaga, brad! Seriously, gifted ka bilang isang poet. Good job!

    BTW, I like these lines:

    “at sa mga alaalang, alaala na lamang”

    “Kung ang rosas ay pag-ibig
    durugin mo ito sa palad mo
    ramdamin mo ang bawat tinik
    na pumupinit sa balat, hanggang
    magdugo, magsugat at mamanhid

    hanggang maubos ang pag-ibig.”

    • salamat fjordz🙂 inspired lang! ^_^

  3. I don’t know how to say this but this is the 3rd time na may particular person na sumagi sa isip ko while reading your post (same thought while reading Predicate and Hindi ko Mamadaliin), Oh well, sana mabuhay ang mga salita sayo Kimmuel!

    Pagaling ka ng pagaling sa gantong larangan. Tuloy mo lang.🙂

    • thanks maj, ndi mo pa din sinasabi kung sino yan hehe🙂

  4. Kung sinuman ang nasa isip mo, baka siya din yun!😀

    • pm mo naman sakin, sasabihin ko kung tama haha🙂

  5. Huwag na…I’ll wait and see na lang…

    • owkay haha

      • Haha! :p

        • ang galing Maj🙂 Tama ka! Napansin mo na pala yun hehe🙂

          • Haha! Call it instinct or whatever, pero this is the second time..haha! Apir!

  6. ang galing galing naman kimpoy!! nkakadala ng damdamin ah,,

    • thanks Job sa reviews🙂 inspired lang hehe ..🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories