Posted by: kimmuel | 12/09/2012

Hindi Ko Mamadaliin


Image

Hindi Ko Mamadaliin

nabuhay ang mga salita
na natutulog sakin
katulad ng kung paano bumubukas
ang mga bulalak
sa mga yakap ng araw
sa pagdilat ng umaga

gusto kong umawit ng mga tulang
binubulong, hindi ng mga labi
kundi ng isang damdaming
hindi ko mawari
sa ilalim ng mga tala sa kalangitan
sa matamis na liwanag ng buwan

Hindi ko muna sasabihing
nahuhulog ang aking puso
sa kalawakan ng mga panaginip mo
sa isang mundong
sa iyo lamang umiikot
sa panaginip ko lamang tumatakbo

gusto kong
hawakan mo ako ng mahigpit
hindi ng iyong mga kamay
kundi ng iyong mga mata
at sabihin mong iniintay mo ako
sa ilalim ng mga tala sa kalangitan
sa dulo ng walang hanggan

at kung magkikita tayo
hindi kita papansinin
hahayaang ko ang langit ang magpasya
kung paglalapitin tayo o paglalapitin
tatango lang ako kapag kinausap mo
kikilalanin kita ng mabuti
magiging magkaibigan tayo

At kung sakaling mamahalin kita
hindi ko mamadaliin
dahil alam ko

may habambuhay pa tayo.

12092012


Responses

  1. Whoa! Tissue please..nakakaiyak naman to Kimmy. Pang reflection..haha

  2. Ganda!:D

  3. Yay, may ka-tuloy na! Clap clap๐Ÿ™‚

  4. salamat sa reviews hehe๐Ÿ™‚

  5. Bro, gusto ko yung last line! Hahaha! Makatang makata! Ang galing!

    “At kung sakaling mamahalin kita
    hindi ko mamadaliin
    dahil alam ko

    may habambuhay pa tayo.”

    • haha salamat. dati pa ako makata, ndi lamng halata hehe ^_^

  6. love this poem. inspiring…..

  7. Ang galing ng pagkagawa.. maayos yung pagkasulat

    • salamat bro๐Ÿ™‚

  8. ang gondoh!!!
    ang saraaap mabuhay at magmahal!๐Ÿ˜€

    • yes oo naman! salamat sa comment pagbisita Sis๐Ÿ™‚

  9. ๐Ÿ™‚ inspiring…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories