Posted by: kimmuel | 09/01/2011

Panawagan




Ako po’y nananawagan
sa lahat ng nagmahal at nasaktan
nais ko po kayong subukan
kaya mangyari po lamang

isara ang mga bintana sa iyong mukha
at dukuting muli ang mga halik
mula sa alaala ng mga labi
sabay landasin nyo muli
ang mga daang tinahak ng iyong mga kamay-
marahan, mabilis, pabalik-balik
at muling pakinggan ang mga pangakong
paulit-ulit na nilamon ng kawalan
lalo na ang gasgas na linyang
magpakailanman

patuloy na gawin ito
habang paki-taas po lamang ang kanang kamay
itututok sa kalawakan ang kamao
at tsaka mabilis na ibaba
sa inyong ulo.

Sa lahat ng nasaktan,
naniniwala akong
tunay nga kayong nagmahal

at nasaktan.









09012011


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories