Posted by: kimmuel | 09/01/2011

Ang Minero


sa gabi lumalabas ang minero
gumugugol ng hagulgol
sa pagtayo ng kanyang haligi
parang kalansay ang porma
tila magigiba
ng darating na sakuna

sa gabi lumalabas ang minero
sa dilim naghahalukay ng tanso
sa dilim nangangapa ng ginto
sa ilalim ng ilaw ng poste
kahit nakamamatay ang trabaho
naghahanap-buhay ang minero

sa gabi lumalabas ang minero
at habang nagtatrabaho
niyuyuko ng trangkaso
pinupuyo ng rayuma
dumaraing sa sakit
pero sige lang sa trabaho
kahit gustong ng humiga
sa ilalim ng lupa

sa gabi lumalabas ang minero
at uuwi lang kapag sapat na ang ginto-
mga tira-tirang pagkain, mga bote
at iba’t ibang klase ng lata

at sa umaga, ang minero
ay isang dakilang kusinera
at yaya
ng mga apo niya.













Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories