Posted by: kimmuel | 01/09/2010

Pasalubong


Isang ordinaryong hapon yun. Iyon ang buong akala ko…

Pagod, malungkot at tila ba wala sa sarili akong naglalakad sa koridor ng ikalawang palapag ng paaralan. Walang kasama. Nagiisa. Bumababa sa hagdanan na parang gusto ko nang mahiga sa bawat hakbang na ginagawa.

Isang segundo. Biglang napahinto. Nasa labas na ako ng building nang may biglang huminto. Pagbukas ng pintuan ng bus, maraming tao ang bumaba. Hindi ko sila kilala o baka kilala ko sila pero ayaw ko silang makita. Isang magandang larawan ang aking nakita…ang larawan mo. Ngumiti ka, gumanti ako. Nakangiti kang bumaba sa bus na sinakyan ninyo. Ang tagal ng mga sandaling iyon. Isang mahabang panahon na sa bawat araw at sa bawat taon tanging ang kagandahan mo ang nakikita ko. “grabe” Napabulong ako.

Biglang nakaramdam ng sigla at lakas itong aking katawan na isang palaisipan ang pinanggalingan. Tila ako’y bagong silang na sanggol na buong lakas na sumisigaw sa bagong mundo. Lumapit ka at inabot mo sakin ang pasalubong mo galing Tagaytay at sabay sabi,

“O yan ah, dinalan kita ng pasalubong… na-miss kita.. bawal kasi mag-text sa retreat e.. kaya ayun… masarap yan…”.

Napatigil ako. Huminto itong mundo. Wala akong masabi.

“uy, salamat sa sulat ah, salamat din dun sa pinahiram mong rosary. Salamat talaga.”

Napatitig ako sa na lang ako sa mga mata mo, hindi dahil sa sinabi mo kundi dahil sa … ewan ko.

Nakita ko ang isang kislap mula sa bintana ng iyong kaluluwa. Biglang nagbalik sa isipan ko ang mga nakalipas na araw.

Ang bilis ang panahon mula noong una kitang makilala. Sumali ka ng CAT upang maging officer at tiyempo namang ako ang naging Commanding Officer mo. Mula noon, naging magkaibigan na tayo. Lagi na tayong nag-uusap at nagbibiruan sa loob at labas ng eskwelahan.

Palagay ang loob ko sa’yo at ganoon ka din naman sa akin. Hindi tayo magka-klase pero naghihiraman tayo ng libro at tinuturuan mo ako sa mga subjects natin. Lagi nga tayong nagpupustahan na paunahang pumasok sa school. Isang umaga, nahuli mo akong natutulog sa may gate para lang mauna ako sa’yo. Nakakahiya talaga ang pangyayaring iyon. Minsan panalo ako at minsan panalo ka, pero lagi nating hindi pinapatupad yung parusa sa isa’t – isa. Ewan ko, hindi ko alam ang dahilan. Siguro dahil gentleman naman kasi ako kahit papaano at ikaw…hindi ko alam.

Ang alam ko lang, solong-solo natin ang buong campus tuwing umaga. Magkasamang nating iniintay ang pagsikat ng araw habang hindi natin namalayan ang pagsikat ng araw sa ating mga puso. Isang beses, tumawag ka sa bahay. Nagulat ako dahil hindi ko naman binigay sa’yo yung number ko. Pero okay lang, kasi masarap ka namang kausap. Ang isang beses na iyon ay umabot ay umabot sa araw-araw at inuumagang pag-uusap natin sa telepono.

Isang araw, nagulat ulit ako. Isang sulat ang natanggap ko na inabot ng isang ka-klase. Galing daw sa’yo. Binasa ko at natuwa sa mga kinukwento mo. Tinago ko ang sulat na iyon na hindi  alam kung bakit. Ang isang sulat ay dumami at naipon sa paglipas ng panahon.Sa dami ng mga sulat mo, hindi kita ginantihan kasi hindi ako magaling magsulat at hindi ko alam ang mga sasabihin ko. Pero nangako ako sa’yo na susulatan din kita.

Lumipas ang mga araw at unti-unti tayong nagkakalapit. Isang okasyon ang dumating, JS natin noon at usapan natin sa isa’t-isa na isasayaw kita at ako ang first dance mo. Nangyari nga iyon. Nakita ko noong mga sandaling iyon na habang papalapit ako sa’yo, inaaya kang magsayaw ng “bestfriend” ko…kaso tumanggi ka, at biglang nagliwanag ang mukha mo noong makita mo akong papalapit. Hindi ko alam ang gagawin nun. Inaya kita, pumayag ka at nagsayaw tayo. Hindi na ako lumingon sa “bestfriend” ko…wala na akong pakialam. Bumulong ka sakin,

“Pinasaya mo ako ngayon”.napangiti ako.

Gusto kong sumigaw pero ayoko. Ang saya saya ko nung mga sandaling iyon…Grabe.

“bakit ka ngumingiti?” Biglang sabi mo.

Nagulat ako. Bigla akong nagbalik sa mundo. Tumingin sa paligid at nakita ang pasalubong na hawak mo. Napatingin sayong mukhang  nakatawa. Natawa rin ako.

“O eto na… Bakit ayaw mong kunin”,ang sabi mo.

Hindi ko alam ang gagawin. Inisip kong hindi kunin dahil wala kang dahilan para bigyan ako ng pasalubong. Kahit na nararamdaman kong, meron.

“ah, hindi ko matatanggap yan, hindi kita binigyan ng pasalubong noong nag-retreat kami e..tsaka wala namang dahilan para bigyan mo ako niyan…’di ba?”, sambit ko.

Napahinto ka. Ilang hanging ang umihip sa pagitan natin.

“aahm…”

“magka…ibigan tayo di ba?”

Nararamdaman ko ang kalungkutan mo habang sinabi mo iyon. Lumamig ang paligid. Tila uulan ng malakas sabay sa luhang tila tutulo sa mga mata mo. Kumirot itong puso.

“Sana hindi ko na tinanong”, bulong ko sa sarili.

“Okay lang tumanggi sa kaibigan ‘di ba?” Nakangiting sinabi ko habang tila sumisikip ang dibdib.

Ang sama sa pakiramdam nang sabihin ko iyon. Hindi ko kayang umarte ngunit ako’y naging artista sa oras ng katotohanan. Nagdilim ang langit. Tila bubuhos na ang malakas na ulan kasabay ng emosyon na aming pinipigilan.

Bigla kang tumakbo. Nakita kong lumuluha ang iyong mga mata. Papalayo kang pinipilit itago ang sakit na nararamdaman. Napatulala ako sa kawalan. Nawala ako sa sarili. Hindi alam ng aking mga paa ang gagawin. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sabay kinuryente ang buong kong katawan.

Hindi ko ba siya susundan at hahayaan na lamang maglaho ang aming samahan? Naramdaman ko ang init na pilit kumakawala sa aking dibdib. Sumigaw ang aking puso at buong lakas sumunod ang aking mga paa, katawan kasabay ng aking isipan. Tumakbo ako ng buong lakas upang habulin siya nang hindi alam ang dahilan.

Narinig ko ang bulong ng aking isipan, “Bakit mo siya sinusundan? Anong dahilan? Mahal mo na rin ba siya? ‘Di ba magkaibigan lang kayo?”.

Sumigaw ako kasabay ng aking puso, “Basta! Ewan ko!”

Pilit kong hinahabol ang talang dahilan ng sanlibutan ng aking pagkatao. Hindi ko kakayaning mawala ang tibok nitong puso. Nahabol din kita…sa wakas. Hinawakan kita sa iyong mga balikat at tinitigan ang iyong mga matang lumuluha. Masakit para sa akin ang makita kang lumuluha. Naghihinagpis din ang kailaliman ng aking pagkatao.

At hindi ko napigilang sabihin, “Mahal na mahal kita!” ,sabay tulo ng mga luha mula sa aking mga mata.

Niyakap kita ng mahigpit at nabitawan mo ang pasalubong mo para sa akin. Wala akong pakialam. Ang importante sa akin ay ang kaisa-isang babaeng nagpasaya, nagbigay kulay at ang dahilan ng aking buhay! Yakap ko ang aking langit at gusto kong ipadama sa kanya ang aking pagmamahal!

Gusto kong ilapit ang aking sarili sa piling ang kabiyak ng aking puso. Hindi ko namalayan na nagdikit ang aming mga labi. Bugso ng pagmamahal ang tanging dahilan. Pumikit ako. Nadama ko ang lambot at tamis ng iyong pag-ibig. Naramdaman kong tumulo muli ang iyong mga luha. Luha ng kasiyahan at pagmamahal.

Hinagkan kita ng mas mahigpit at muli pang hinalikan upang ipadama ko ang init ng aking pagmamahal. Alam ko, maraming tao sa paligid. Wala akong pakialam! Ang tanging gusto ko ay maramdaman at ipadama ang aking pag-ibig! Tila huminto ang orasan. At kami’y napadpad sa mundo ng aming pagmamahalan.

Habang dumadampi ang basa kong labi ay pilit kong binubulong sa kanya ang aking pag-ibig. Ang aking isipan ay sumigaw ng pagmamahal, ang aking mga kamay na kapit na kanyang beywang ay tila ayaw siyang pakwalan at ang puso ko ay nagliliyab sa pag-ibig.

“Mahal…na mahal kita…sorry na..patawarin mo ‘ko…!”

Muli ko siyang niyakap ng sobrang higpit. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan at ang hikbi ng kanyang iyak na unti-unting nawawala sa katahimikan.

“beep!” isang busina ng jeep mula sa daang aming kinatatayuan.

Napatigil kami. Maraming tao ang sa ami’y nakatingin. Wala akong pakialam at wala akong pinagsisisihan. Hindi ko kinakahiya ang aking ginawa.

Tumakbo kaming muli na magkahawak ang aming mga kamay. Tumatakbo na tanging saya ang nararamdaman. Huminto kami sa likod ng simbahan.

Tinitigan ko siya, hinawakan ang kanyang mga kamay at sinabi, “Ano, tayo na ba?”.

Ngumiti ka habang nakatitig sa akin. Biglang kumawala ang sikat ng araw sa mga ulap na kanina’y nakatakip sa buong kalangitan.

“Di ba dati pa tayo naging tayo.” sinabi mo habang nakangiti.

Natawa ako, “Oo nga ‘no…”, sabay yakap sa kanya.

“’Lam mo…Mahal na kita dati pa…” at naramdaman ko habang yakap siya…na napalitan na ng tuwa ang kanina’y mga luha.

Sa wakas nasabi ko rin at naipadama ang aking nararamdaman. Sa unang pagkakataon ay naging totoo ako sa aking sarili…sa nararamdaman ng aking puso.

“Hanggang sa ngayon, iyon ang isang hapon na hinding hindi ko malilimutan.”

“Sa mga oras na ito, inaalala ko ang napakahabang panahon ng ating pagmamahalan. Natupad na ang mga pangarap natin. Isang malaking pamilyang masaya, nagmamahalan at maka-Diyos. Hindi ko inaasahang ikaw ang unang lilisan. Tanggap ko na ang lahat. ‘Di rin magtatagal at susunod din ako sayo. At ipagpapatuloy natin ang pagmamahalan hanggang sa kabilang buhay.”

“Sa hapon na ito, sana tanggapin mo ang bulaklak na pasalubong ko.”

****

This is one of the first short stories he had written, so forgive him for all the cheesyness, the kakornihan and out-of-this-world scenes. Haha. It was just a story written by an inspired boy, who only knew romantic love through movies, books and from the wanderings of his mind.

Forgive him.

🙂


Responses

  1. grabe ka tlga kimmy you’re so cheezyyy tlga… hehehehe…

    • haha. buti napagtiyagaan mo yan. =)

  2. niCe kuya kimm!..liKe it1^_^

    • thanks. hehe comments like this inspires me to write more. hehe =)

  3. aww…I’m was so into it, I thought real life story. BEAUTIFUL yet tragic.. Nice!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories