Posted by: kimmuel | 24/05/2010

Jeepney


 

I am sharing a short story I have written two years ago.  Woo! Ambilis ng panahon.

Parang kailan lang. ..

Ang mga pangarap ko’y…

kay hirap abutin..  :)

Looking back, I am delighted every time I read this piece of emo stuff. Haha. Those were the days when my kakornihan is at the highest.  Even the little details, pinakorni ko pa. Haha! But I am pleased that I wrote a piece of memory. At least I could rewind the “real situation” that inspired this story.

Honestly, I don’t know if I could write again this kind of stuff. I had a lot of free time back in college. Unlike now, there is just enough time to rest every weekend and spend your remaining time with people and things most dear to you.

Also, I was a different person back then.  I see things differently. I was passionate  about these kind of things even it seems that it lacks deeper meaning and emotion.

I must admit, my heart was almost unscathed when I wrote this story.. Oops! haha! This is becoming too personal.

Basta, this is a story of my innocent self . A moment captured by the words with feelings sealed, preserved by ink.

And every time I unlace these letters.. fragrance fly, sweet winds blow.. hmm. smells like innocent love.. Wahaha🙂

Fast forward. The girl in the story became a good friend of mine.

And I value what we have now.

Please read on.🙂

—-


“Wah… Ang ganda nito… Ang sweet mo naman. Magkano kaya ‘to?”

“Nye. Hindi importante yun ‘no…Ang importante masaya ka.”

“Ang sweet mo talaga. Kumain ka na ba? Joke! Haha!

“Haha… Ayos ah.”

Sa kabila ng mga usok, sa ingay ng jeep at sa ilang taong pamsimpleng nakikinig sa atin, naramdaman ko ang lambing ng gabi. Tinitigan ko ang kumikislap mong mga mata, ang buhok mong umaalon sa hangin at ang ngiti mong pumapako sa aking alaala. Alam ko, sa pagkakataong iyon, patuloy akong nahuhulog sa’yo. Ngunit may malamig na hangin na biglang umihip sa pagitan natin.

“Uhm… Mike, may itatanong lang ako sa’yo…”

“O? Ano naman yun?”

“Nung nililigawan mo dati si Nicole binibigyan mo din siya ng ganito?”

“Uhm… Oo…”

“Ah… Okay… Eh sinasabihan mo din siya ng cute? or Hinhatid din pauwi?”

“Oo…”, malungkot na sagot ko.

“Okay. Hmm… Alam mo, marami nagsasabi na magkamukha daw kami…”, malungkot na sinabi mo.

“Ha? Hindi kaya… Hindi gan’on yun. Mali yung iniisip mo.”

Nalungkot ako dahil sa sinabi mo. Hindi ko akalain na hanggang sa pagkakataong iyon, aangkas pa rin ang nakaraan.

Nakita kong tila may tutulong luha mula sa iyong mga mata. Nadudurog ang aking puso noong mga sandaling iyon. Tila niyayakap ako ng lamig ng Disyembre at pinipiringan ng dilim ng gabi, na kahit ang buwan at mga tala sa kalawakan ay iniwan akong mag-isa sa kalungkutan.

Kung pwede lang kitang yakapin ng sobrang higpit para madama mo kung sino ang nasa puso ko, gagawin ko. Para hindi mo na masabi ang mga salitang binitiwan mo. Gusto kong sabihin na mahal na kita pero alam kong hindi pa iyon ang tamang pagkakataon. Alam ko, kung sasabihin ko ang mga salitang iyon ngayon, hindi ka maniniwala.

Nagtama ang malulungkot na mga mata natin na tila nangungusap sa isa’t isa.

“Magtiwala ka lang sa akin. Hindi kita sasaktan…” pabulong na sinabi ko.

Sa ngayon, ibubulong ko na lang muna sa hangin ang aking pagmamahal. Hahayaan ko munang maglaro ito sa hangin at maglakbay sa mga ulap. Hahayaan ko muna itong lumipad at magpakalayo-layo dahil alam ko, darating ang araw, ipapamalas nito ang kanyang sarili at isisigaw ang damdaming nakatago sa aking mga labi.

Alam kong malayo pa ang lalakbayin natin. Magtiwala ka lang. Kumapit ka ng mabuti. Malayo pa ang tatakbuhin ng jeep.


Responses

  1. hehe..naks nmn..nice story..klngn tlga balikan ang nakaraan..lol..

    • Haha. inaalala lang. Your past will always be a part of you. You are what you are because of your past so it’s just okay kung balikan basta all the good times lang. =)

  2. clap! clap! clap!.. galing naman ni kim..

    • Salamat Job! Hehe. nakakatuwa naman, hindi pa din kumupas yung pambobola mo. Hehe. Naalala ko yung maikling samahan natin nung college days.. Hehe, lagi kang nagagalit sa akin =)

  3. hndi naman aku nagagalit,,namimiss ku n nga kayu ni dada..
    ui kim,, masyado naman malungkot ung mga poems mu,,wala bang ung medyo masaya naman,, nalungkot nga aku sa pagbabasa e,,anyways..enjoyed it a lot..promise babalik balikan ko to..hehe..

    • hmm. nakakasulat kasi ako pag malungkot lang. pag masaya kasi ineenjoy ko yung masayang moments. hehe. anu ka ba?joke lang yung nagagalet ka, ako nga yung ngsusuplado sayo e. hehe🙂 Bday ni Da mamaya! Batiin mo🙂

  4. ang korni mo talaga. HAHAHA joke. 3/5 kasi di sya ganun kaganda but the fact that this was inspired by a real situation made it interesting to be read. those were really the days hahaha

    • haha.🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories