Posted by: kimmuel | 11/05/2010

the Filipino


 

Ilang oras mula ngayon, maaring malaman na natin kung sino ang susunod na Presidente ng Pilipinas. Halata na mula sa mga balita sa radyo at telebisyon na maaring si NoyNoy Aquino na ang susunod na Pangulo, malaki na ang kanyang lamang sa bilangan, at konti na lang ang bibilangin na mga boto.

Magkahalong satisfaction at lungkot ang aking nadarama.

Lungkot kasi hindi mananalo ang kandidato kong si Dick Gordon sa kabila ng kanyang kwalipikasyon at mga nagawa para sa bayan. Hindi man lang naka-isang milyon ang kandidato ko at pang-lima pa. Hay.

Nakakalungkot isipin na  ito ang resulta. At ang nakakagulat pa, si Erap ay pumangalawa. Grabe. Isang dating Pangulo na pinatalsik na ng bayan, hinatulan na ng korte ng plunder pero pinalaya thru pardon, at ngayo’y nangangako ng pagbabago, at naniwala naman ang marami sa atin.

Hindi nakakapagtaka. We deserve it all.

Iyan ang Pilipino.

Boboto dahil sa popularidad, sa sintemyento at sa mga pangako, sa halip na sa galing, kwalipikasyon, karanasan o sa mga nagawa na para sa bayan.

Ang Pilipino ay magtitiwala pa rin sa isang dating Pangulo na hinatulan ng sarili nilang korte at pinatasik nila sa pwesto 9 na taon na ang nakakaraan. Ang gulo natin.

Yan ang collective na pakatao ng isang Pinoy.

Nakakalungkot man aminin, isa ako sa kanila.

Sa tingin ko, kailangan natin magbago as a people – our ideals and way of thinking.

Napakahalaga nga talaga ng edukasyon sa isang bansa.

Satisfaction. Ayos lang sa aking ang eleksyon. Kahit halos tatlong oras akong pumila para makaboto, masaya pa din ang pakiramdam dahil alam mong may pagbabago – Automated na tayo! Yes! At alam kong sa susunod, mas mapapabuti pa natin.

At sa mananalong Presidente, ayos na siya sa akin kesa kay Erap o Villar. Hindi man natin pinili ang best choice, at least, may pagbabago na.

Basta, suportahan na lang natin siya

at maniwala

sa magandang bukas.

=)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories