Posted by: kimmuel | 24/03/2010

Yosi



Hinahaplos ng iyong mga daliri
Ang aking lantang katawan
At pinapaalab ng iyong mga labi
Ang aking damdaming
Umaasa at nangangarap lumaya
Mula sa mga gabing
Sa iba’t ibang mga labi
Nakatulos ang aking katawan


Sinindihan mo
Ang aking tuyong pagkatao
At marahang hinigop
Ang aking katuturan
(kung meron man)

At sa bawat usok
Na iyong ibinubuga sa kawalan
Alam ko, dala nito
Ang mabigat mong pinapasan
Bagama’t ginamit mo ako
Ginamit din naman kita.

At sana sa pagkawala ng usok
Sa pagkamatay ng mga baga
At sa huling pagkahulog ng mga upos
Matanggap ko sana
Na kailanma’y hindi mo ako mamahalin
Na katulad ka rin ng iba
Na pagkatapos ng hatid kong ligaya
Itatapon mo rin ako
Sa kung saan.









Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories