Posted by: kimmuel | 24/03/2010

Solitaryo






Iluha mo sa dagat ang iyong pag-iisa
Hayaan mong angkinin niya ang pait na nadarama
Ihandog mo ang lungkot, pighati at pangamba
Dahil ang alat ng iyong mga luha,
Na sa kanya ipinaubaya,
Ay kukunin din ng mga ulap.

At sa pagsapit ng dilim, tatangis ang langit.
madarama namin
sa hikbi ng hangin,
sa mga iyak ng kulog, sa lamlam ng kidlat
At sa lakas ng buhos ng ulan

kung gaano ka nasaktan.

Ngunit sa milyong-milyong patak ng ulan
Mababatid mo-

Hindi ka naman nag-iisa.









Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories