Posted by: kimmuel | 24/03/2010

Serbesa


 

Isang lagok
pilit tinatago ang pait
na nararamdaman
sabay sa bulaslas
ng malakas na tawanan

Nagkukubli, Naglolokohan
tinatago ang kahinaan
pinapakita ang huwad
na kalakasan

Sa bawat lagok
sumasarap ang pait
namamanhid ang pakiramdam
hinahanap na
ang lasa ng kahinaan

Sa bawat pagtumba ng mga bote
unti-unting sumasakit
tinatamaan na ang puno –
puno ng kamalayan – ng isipan

Ngunit hindi parin naghihilom
ang mga sugat na iniinda
mahihilo, magsusuka
iiyak, magwawala at makakatulog
pero hindi parin mawawala…

ang pait na nararamdaman
ang pait
ng pag-ibig.









Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: