Posted by: kimmuel | 24/03/2010

Kailangang Isulat ang Pangarap



Kailangang isulat ang pangarap
dahil ito ay parang hanging
magdadala sa’yo sa alapaap
hahayaan ka niyang lumangoy
sa mga ulap o kaya nama’y
mamingwit ng mga tala sa langit
kaya niyang ibigay sa’yo
ang lahat – lahat
pati ang babaeng laman
ng pinaka-tatago mong larawan.

Ngunit kung minsan
hahayaan ka din niyang mahulog
sa mala-ulap mong higaan
magigising ka na lamang
na nakatulala sa bintana
iniisip ang panaginip kanina
magpaplanong bumangon na
pero matutulog ding muli.

kailangang isulat ang pangarap
dahil ang pagsulat ay pagsilang
sa isang buhay na kaisipan
sa mundo ng realidad.

ang pangarap
katulad ng pag-ibig
ay walang kwenta
kung hindi ipapadama
o isusulat
ng mga paa.

 





5/16/08


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories