Posted by: kimmuel | 24/03/2010

Isang Umagang Bumaba ang mga Ulap


isang umaga
sinalubong ako ng mga ulap sa daan
tinanong ko sila kung bakit
hindi ako dinalaw ng antok kagabi
di sila umimik.
hanggang sa sumikat ang araw
hanggang sa sila’y natunaw
at ang natira na lamang na alaala
ay ang mga bituin sa mga dahon
na lalong pinapakislap
ng malambing na sikat ng araw

katulad ko rin sila
buong gabing di nakatulog
kinikimkim ang hapdi
pinipigilang tumulo ang mga luha
at nagpapanggap na mga ulap.

ngunit sana, katulad nila
dumating din ang aking araw
na tutunaw sa mga hamog ng kahapon
magpapakislap ng aking mga mata
at gagawing malambing
ang malamig kong umaga.









Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories